Bob Ong Quotes

Ranked #217 in Books, Poetry & Writing, #10,218 overall

Bob Ong Quotes

Nais mo bang malaman ang iba't ibang Bong Ong Quotes mula sa libro na kaniyang isinulat. Narito ang ilan sa halimbawa ng mga kowts na isinipi mula sa mga naisulat na niyang aklat. Ang mga kasabihan o sayings mula kay Bob Ong ay tumatalakay sa Iba' ibat paksa mula sa pag-ibig (love quotes), pagkakaibigan (friendship), tungkol sa buhay-buhay (quotes on life) at mga bagay na may kinalaman sa buhay-Filipino at mga obserbasyon sa iba't ibang sitwasyon ng buhay. Subalit, naging lubos ang pagtangkilik ng mga mambabasa (na karaniwan ay mga kabataan) sapagkat ang kaniyang paglalarawan sa mga bagay-bagay ay idinadaan niya sa mga nakakatawa at nakakaaliw na pamamaraan. Sa ibabaw ng mga pagpapatawang ito, mababakas ang mga aral na nais niyang iparating sa mambabasa. Idinadaan din niya ang kaniyang mga biro sa pamamagitan ng self-deprecating humor.

Ang mga libro ni Bob Ong ay nakasulat sa wikang Filipino kaya mas naabot niya ang mas maraming mambabasa sa wika na madaling maunawaan ng nakakarami. Ang kaniyang istilo ay maihahantulad sa isang kabarkada o kaibigan na nagkukwento ng mga istorya at nagpapayo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kolokyal na patok na patok sa mga kabataang mambabasa.

Mula sa librong ABNKKBSNPLAko ay nagtuluy-tuloy na ang pagdami ng mga masugid na mambabasa na napabilib niya sa kaniyang mga nakakatawang istorya. Kung Bob Ong books ang hanap mo, mayroon ding links sa ibaba kung saan mo matatagpuan ang mga ito.

ABNKKBSNPLAKo?!

Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong

Bakit masakit sa ulo ang Mathematics?

Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?

Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?

Masarap ba ang Africhado?

Sino si Tigang?

Saan ang Ganges River sa Pilipinas?

Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?

Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?

Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Ano ang lasa ng Toning Water? Na-dagitab ka na ba? Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Saan makakabili ng artificial fresh flowers? Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima? Paano makipagkaibigan sa bangaw?

Ang Paboritong Libro ni Hudas

-Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro.
-Ano? basahin ang synopsis

Alamat ng Gubat

Stainless Longganisa

Sipi mula sa libro (excerpt)
Isang kaibigan ang dahilan kaya naumpisahan ko ang ikatlong libro. Dahil sa pagtatanong n'ya kung bakit kailangan kong magsulat ng libro para lang ibigay sa iba ang kita nito. Alam kong maganda ang intensiyon n'ya bilang nagmamalasakit na kaibigan, pero nalungkot ako dahil alam kong representasyon siya ng maraming tao. Hindi lang isa, dalawa, o tatlong beses akong natanong kung bakit kailangang magkaroon ng beneficiary ang ilan sa mga gawa ko. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit mas abala ang mga tao sa pagtatanong kung bakit meron silang mga kapwang tumutulong, sa halip na tanungin ang sarili nila kung bakit sila e hindi. Masama na ba talaga sa panahon ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag?

treating anxiety...Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit mas abala ang mga tao sa pagtatanong kung bakit meron silang mga kapwang tumutulong, sa halip na tanungin ang sarili nila kung bakit sila e hindi...

Dati ko pa pangarap na makatulong sa iba, pero ngayon lang natupad. Minsan nga naiisip ko na kaya lang ako nakapagsulat ng mga libro e para matupad ang pangarap na yon. Meron na rin akong naging kaibigan sa internet na nag-aalok sa aking magtayo ng isang foundation, na tinanggihan ko naman dahil masyado pa kaming hilaw para sa mga ganoong plano. Lalo na ngayong naghigpit na ang gobyerno sa mga nagtatag ng foundation dahil madalas daw itong abusuhin ng mga politikong nag-iipon lang ng pansariling pondo..."

Stainless Longganisa

Available at National Bookstore

Funny Bob Ong Quotes | Sayings mula sa Stainless Longganisa
"Alam ko na kung paano ide-describe sa mga kabataan ngayon ang lasa ng Nutri Bun. Para sa mga interesado pa rin, kumain lang kayo ng whole wheat bread nang walang palaman. At siguraduhin nga pala na expired na yung whole wheat bread..."

Bob Ong Quotes About Life
"Ayokong tawagin ang sarili ko na manunulat. Pag sinabi mo kasi sa mga tao na "writer" ka, kadalasan makakatikim ka ng mga tingin at panlalaki ng mata na para bagang sinabi mong kumakain ka ng bala. Akala nila kakaiba ka. Weird. Masyadong matalino o sobrang yaman..."

MACARTHUR

Excerpt mula sa Nobela
Madilim ang gabi. May bikitima si Cyrus sa kalye. Kung anuman ang nadale nya, di niya alam. Basta may hawak-hawak sya na di nya pwede lunukin para maitago. Buong lakas ang ibinibigay nya sa mga binting matuling tumatakbo, pero halos di naman nakakaalis ng lugar. Maliit lang ang distansiya sa kanya ng mga humahabol. Mabilis sila, mga asong ulol na gutom sa kanyang laman. Tumatakbo sila sa dalawang paa, pero balot ng balahibo ang buong katawa at may nagtatalimang pangil sa bibig. Habang binibilisan niya ang takbo, lalo siyang di nakakaalis sa kinaroroonan. Hingal. Madilim na lugar. Hingal. Mga aso. Hingal. Mga anino. Kawalan. Lumungon sya ulit sa likuran. Palapit nang palapit ang mga di-maipintang halimaw. Binilisan nya pa lalo ang pagtakbo, pero naubos na ang lupa. At sa harap niya, isang walang hanggang bangin.

Bob Ong - Topics on Blogs

Calls for peace in Proctor follow alleged anti-gay attack
St. Paul pastor who backs gay marriage turns to Internet to keep church open Pioneer Press: "Web show host John Ong lives in Kansas City, Mo., but his audio program recently took a detour into St. Paul s East Side." The Washington Post: "A week from ...
Memorial Day: WWII hero Hayes an inspiration to Gila River Community
The song was subsequently covered by music legends such as Johnny Cash and Bob Dylan. Hayes appeared as himself in the 1949 movie ?Sands of Iwo Jima,? which starred John Wayne. ?The Outsider,? a 1961 movie about Hayes' life, had actor Tony Curtis ...
Guinness Record-Holder's Tips For Midlife Weight Loss
At 56, Bob Natoli is one of the oldest six-time Guinness World Records holders for feats of fitness. His latest record came when he lifted 51640 pounds with an upright barbell in one hour. The Oswego New York grandfather is a fitness guru and recently ...
I Was Wrrrr...ong. So Now What? We Can Restore America With Romney
And many conservatives like Bob McDonnell, Marco Rubio, Paul Ryan, Mike Lee and Tom Coburn had already projected Romney to win and endorsed him. They and Santorum, Gingrich, Cain, Perry and Bachmann all need to discuss how they will help the country; ...
Day 74 : A peso a day by tinn08
automatically generated by Flickr

Bob Ong Quotes on Youtube

Narito ang ilang video na may may kowts | Bob Ong quotes. Iba-ibang quotes sa love o pag-ibig at sayings tungkol sa buhay o life. Kasama na rin dito kung sino si Bob Ong at mga haka-haka tungkol sa kung sino ba talaga siya. May nagsasabing ito ay isang pseudonym o palayaw lamang at iba naman ay isang kalipunan ng mga writer o manunulat.
bob ong's words of wisdom
by jenth15 | video info

374 ratings | 242,324 views
curated content from YouTube

Guestbook

  • techie-agent Dec 12, 2011 @ 9:15 pm | delete
    ang gaganda ng mga libro ni Bob Ong lalo na yung una niyang libro dun madaming bob ong quotes

by

Bughaw

Paksang Tagalog, Atbp

Feeling creative? Create a Lens!

 

ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong)

Amazon Price: $92.34 (as of 05/30/2012)Buy Now