Salawikain
Ranked #149 in Travel & Places, #7,454 overall | Donates to Global Youth Village
Mga Salawikain sa Tagalog
Narito ang ilan sa halimbawa ng mga salawikain at ilan na may paliwanag.
Filipino Proverbs or sayings are statements that contains wisdom and lessons through the use of phrases with rhyme and measure. It was used back then and even to this modern day to give advice, to impart guidance and to teach virtue. Here are some Filipino sayings and their explanations.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Ang kasabihan o salawikaing ito ay hango sa tula ni Dr. Jose Rizal na sa murang edad na walo, ay lumikha ng isang tula na may pamagat na Sa Aking Mga Kababata, na may tema na pag-ibig sa bayan sa pamamagitan ng pagmamahal sa sariling wika.
wikipedia
This popular Filipino proverb is an except from poem written by Dr. Jose Rizal when he was just eight years old. The title of the poem is "To My Fellow Youth", which has a theme of love for country by patronizing first your own language.
Mga Salawikain
Mga Halimbawa ng Salawikain sa Tagalog na Wika.
Ang lumalakad ng matulin
kung matinik ay malalim
And di-marunong mag-ipon
walang hinayang magtapon
Ang kawayan kung tumubo
langit na matayog ang itinuturo;
Ngunit kung masunod na ang anyo,
Sa lupa rin ang yuko
Sinimulang gawain ay tapusin mo
bago gumawa ng panibago
Ubos-ubos biyaya
bukas ay nakatunganga
Daig ng taong maagap
ang taong masipag
Ang totoong paanyaya
may kasamang hila
Walang masamang pluma
sa taong mabuting lumetra
Ang pagsasabi nang tapat
ay pagsasama nang maluwag
Ang bayaning nasusugatan
nag-iibayo ang tapang
Sa may tunay na hiya
ang salita ay panunumpa
Madali ang maging tao
ang mahirap ay ang magpakatao
Maaring pigilin ang baha
ngunit hindi ang dila
Kapag may isinuksok
may madudukot
Ang taong di nasisiyahan
mailap ang kaligayahan

Ang bahay mo man ay bato kung ang nakatira ay kuwago
Mabuti pa ang isang kubo na ang nakatira ay tao
Sumasalamin sa salawikain na ito ang mataas na pagpapahalaga ng mga Filipino sa pagkakaroon ng mabubuting pag-uugali na kahit na salat sa kayamanan at magagarang tahanan, ay higit sa lahat ay namumuhay nang may dignidad at kagandahang asal.
(larawan: bahay kubo mula kay pinkblot6)
ay dama ng buong katawan
Ang batang magalang
ay dangal ng magulang
Anak na di paluhain
magulang ang paiiyakin
Hindi man magmana ng salapi
magmana man lang ng mabuting ugali
Kung sino ang nangangako
ay siyang napapako
Ang taong walang kibo
nasa loob ang kulo
Walang sumisira sa bakal
kundi ang sariling kalawang
Ang kagandahang asal
ay kaban ng yaman
Kapag iniamba, kailangang itaga
kapag itinutok, kailangang iputok
Magbiro ka na sa lasing
wag lang sa bagong gising
Lahat ng iyong kakainin
sa sariling pawis mo manggagaling
Ang lihim ay hindi na lihim
kapag may dalawa o higit nakakaalam
Ang walang pagod magtipon
walang hinayang magtapon
Salawikain at Paliwanag
Bago muna gawin, makapitong isipin
Ipinahihiwatig ng kasabihang ito na kung may desisyon na gagawin, higit sa lahat ay iyong mga mahahalagang bagay sa buhay, dapat ay masusing pag-aralan o siyasatin upang sa bandang huli ay maging tama kung ano man ang ating piliin at pagdesisyunan.
Ang labis na pagmamadali, nagbubunga ng pagkakamali
Huwag maging mapusok o padalus-dalos sa ating gagawin sapagkat ang mga bagay na hindi pinag-isipan ay karaniwang sa bandang huli ay pinagsisihan.
Ang maniwala sa sabi sabi, walang bait sa sarili
Ang taong may sariling disposisyon at respeto sa sarili ay hindi agad bumabaling sa mga idelohiya at paniniwala ng iba lalu't ito ay may potensiyal na makasama sa iyo at sa iyong kapwa. Sa panahon na napakadaling makarating ng mga impormasyon, ang iba dito ay hindi katotohanan at marapat muna na siyasatin upang hindi malinlang ng mga taong may intensiyong hindi mabuti sa kapwa.
Marami ang matapang sa bilang
ngunit ang buong-buo ay iilan
Ang anak kayang tiisin ang magulang
ngunit ang magulang ay hindi kayang tiisin ang anak
Kapag may isinuksok
may madudukot
Paghaba-haba man saw ng prusisyon
sa simbahan din ang tuloy
Ang taong sa mabuti nanggaling
sumama man ay sadyang bubuti pa rin
Walang matimtimang birhen
sa matiyagang manalangin
Kapag nagbukas ang kaban
natutukso kahit ang banal
Ang hiram na wika
ay saksi sa hiram na kalayaan
Ang nagtanim ng hangin
bagyo ang aanihin
Ikinatatalo sa alinmang digmaan
ay ang guni-guning takot sa kalaban
Ang tunay na kaibigan
nasusubok sa kagipitan
Sa mabait na bata,marami ang natutuwa.
Lumilipas ang kagandahan,
ngunit hindi ang kabaitan.
Kung ibig ng karunungan,
habang bata ay mag-aral;
Kung tumanda, mag-aral man,
mahirap nang makaalam.
Mabigat man ang dalahin,
pag naatang susunungin.
Mabuti pa ang nag-iisa
Kaysa may masamang kasama
Ang anumang agwat ay di mararating,
kung titingnan lamang at di lalakarin.
Mga Salawikain na May Paliwanag
Narito ang website para sa karagdagang mga salawikain na may mga paliwanag at kahulugan.
Mga Kasabihan at Salawikain
0 points
Mga Salawikain
0 points
Salawikain: Filipino Proverbs
Filipino culture, traditions, life0 points
-
- iLuvChrisM
- After today's shoot, Salawikain+Pag-ibig+DoobidoReprise+Ewan na lang! Whew! Dami pa pala! 😳😁😂 #idobidoobidoo Day 21 Shoot!
-
- GintongHaponABS
- RT @askrannie: @OfficialPBB4 Salawikain lang sec, "Aanhin pa ang damo, kung nandyan ang KimBing" - Waley! (Bawal ang Pikon) #PinoyBigBrotherIsBack
-
- askrannie
- @OfficialPBB4 Salawikain lang sec, "Aanhin pa ang damo, kung nandyan ang KimBing" - Waley! (Bawal ang Pikon) #PinoyBigBrotherIsBack
-
- geri_delacruz
- "Mas madaling hulihin ang nakataling manok." #Salawikain
-
- iCaptLovestruck
- @gen02gen mga salawikain ni @SherinaWard yuuun aa. :)
-
- _luya
- ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto'y iba ang kumain #salawikain
-
- Islaw_sp
- Mga salawikain: Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.*Ang taong tam... http://t.co/yfCDnUne
-
- crianpastrana
- @iDiannegal aanhin mo ang bahay na bato kung nakatira ay kwago, #Salawikain
Guestbook
-
-
Sanny Tendilla
Feb 1, 2012 @ 7:31 am | delete
- Ang mga Salawikain at folk songs ay hindi dapat na malimutan ng bawat Filipino.
-
-
-
itgraphix
Dec 30, 2011 @ 2:02 pm | delete
- Nice lens Thanks for share
-
-
-
techie-agent
Dec 12, 2011 @ 9:53 pm | delete
- ang mga salawikain ay katulad din ng mga filipino folk songs na dapat pinapahalagahan.
-
-
-
Tipi
Dec 1, 2011 @ 10:22 am | delete
- I am happy to see writers using native language and translations is just moments away, well done!
-
-
-
cffutah
Oct 19, 2011 @ 8:48 pm | delete
- didn't know about this place, I do now, 'thumbs up' to ya.
-
- Load More
